Himoragat Bicol Song Writing-Music Video Competition sa bayan ng Tinambac Camarines Sur, kasado na

CAMARINES SUR- Kasado na ang Himoragat Bicol Song Writing-Music Video Competition sa bayan ng Tinambac Camarines Sur kaugnay ng pagdiriwang ng Himoragat Festival 2024. Simula ngayong lunes, Pebrero 12, magsisimula nang tumanggap ang Municipal Tourism and Cultural Office ng mga lalahok sa isa sa pinakamalaking singing competition sa Partido Area.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Bukas ang patimpalak sa lahat ng mang-aawit at composers para sa tatanggaping genre na Pop, Upbeat, Jazz, Ballad, R ‘n’ B, at Rap. Habang hinihikayat naman ang mga kalahok na gumamit ng indigenous o ethnic instruments para sa pagbuo ng hanggang sa dalawang kanta o entry.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Magtatapos ang pagtanggap ng mga kalahok hanggang sa ikatatlumput isa ng Marso. At iaanunsyo naman ang Top 3 sa darating na Abril kung saan makakatanggap ang mananalo ng hanggang sa sampung libong piso.