Pinuri ni Pangulong Bongbong Marcos ang Bangsamoro Board of Investments sa tagumpay na natamo nito sa larangan ng pamumuhunan.
Sa talumpati ng Chief Executive sa 17th meeting ng Inter-governmental Relations Body ng National Government at Bangsamoro Government, sinabi ng Punong Ehekutibo na isang malaking accomplishment ang malaking halaga na na-generate o nalikom na investment ng Bangsamoro Board of Investments.
Ayon sa Pangulo umabot ng 3.3 billion pesos ang naitala noong huling tatlong buwan ng 2023.
Nakapag bigay ito ng 1, 927 na trabaho.
Samantala, una nang binati ng Presidente ang Bangsamoro transitional authority sa pagsasabatas ng Bangsamoro administrative code, Civil Service Code, Education Code, electoral code at local governance code.