Isa patay sa banggaan ng motorsiklo at truck sa Quezon, Palawan

habang kritikal naman ang driver nito sa proper site ng Barangay Quinlogan, Quezon Palawan bandang alas-onse kagabi, February 7.

Ang nasawi ay si Adonis Gamelo, 24 anyos habang ang driver ng motorsiklo ay kinilalang  si Christian Magbanua, 24 anyos habang ang driver ng truck ay si Christian Drilon, 41 anyos.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa imbestigasyon ng PNP, habang binabaybay ng truck ang Highway bandang alas-onse gabi ng Miyerkoles, ay napansin na nito ang motorsiklo sa kabilang bahagi ng kalsada.

Kalauna’y nagbusina na umano ang truck upang makuha ang kanilang atensyon subalit tumawid pa rin ang motorsiklo bago lumiko pakaliwa dahilan upang magbanggaan ang dalawang behikulo.

Read More:  Volunteer teacher helps pupils cross swollen river after class in Negros

Samantala, binawian na ng buhay sa hospital si Adonis habang kritikal naman ang kalagayan ni Christian habang wala naman naitalang pinsala ang driver ng truck.