30 na bahay sa Bacoor, Cavite – naging abo dahil sa sunog

Tinupok ng apoy ang nasa 30 kabahayan sa Barangay Aniban 2 sa Bacoor City, Cavite.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa ikalawang alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Kaugnay rito, isang lalaki naman ang nasugatan sa naturang insidente.

Sa pagtataya ng BFP, umabot sa 40 pamilya ang apektado sa sunog; habang P250K naman ang halaga ng mga naging abo na ari-arian.

Read More:  Bacolod’s P6.1B loans frame dispute between political allies

Inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pinagmulan ng sunog.