PNP, wala pang nakikitang dahilan para manghimasok sa PI

Naniniwala si PNP Chief General Benjamin Acorda na wala pang dahilan para mangialam sila sa pagpapatupad ng People’s Initiative.

Sinabi ni General Acorda sa Malacañang press briefing kaninang tanghali, na kung pagbabatayan ang konstitusyon, hindi illegal ang pagsasagawa ng PI.

Read More:  45°C heat index possible in 2027 amid Super El Niño

Kaya hangga’t wala raw nagaganap na pamimilit, bribery o anumang bagay na paglabag sa batas o sa layunin ng konstitusyon, hindi manghihimasok ang pambansang Pulisya.

Read More:  Political analyst says Baste Duterte could be ‘Plan B’ for 2028

Kung sakali naman daw na merong reklamo hinggil sa bribery o pag gamit ng resources para pumirma sa People’s Initiative, kailangan pa rin ng matibay na ebidensya, at sworn statement ng nagrereklamo.
#