Cyberattack attempts sa gobyerno – pinaiimbestigahan sa Senado

Pormal nang inihain sa Senado ni Senadora Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 923 na naglalayong imbestigahan ang mga kamakailang cyberattack attempts sa mga website ng mga ahensya ng gobyerno.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon ay inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ang mga hacker ay posibleng mula sa People’s Republic of China (PRC).

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Kaugnay nito, nanawagan si Hontiveros na itigil na ang usapin tungkol sa Charter Change (Cha Cha) at mas bigyang pokus ang isyu tungkol sa China na maituturing na mas malaking problema.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Maalala, ayon sa DICT, kabilang ang personal website ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga pinlanong targetin ng nasabing hacker.