Buntis na police officer, patay sa aksidente

Nasawi ang isang police officer matapos itong mabiktima ng hit-and-run sa bahagi ng Mapaoay, Ipil, Tabuk City, Kalinga kahapon, February 4, 2024.

Kinilala ang nasawi na si Police Staff Sergeant Revelyn Dumaguing, 34-anyos. Una rito, sabado nang bisitahin ni Dumaguing ang kaniyang kapatid sa Ipil at nagdesisyong umuwi sa kanilang tahanan sa Bolinao ng hapon ng Linggo.

Ayon sa salaysay ng kapatid ni Dumaguing, sinundan nila ang rutang dinaanan ng kaniyang kapatid at nakitang mayroong kumpulan ng tao dahilan upang huminto ang mga ito at tignan ang nangyayari.

Read More:  Two killed after fuel tanker crashes into roadside food cart in Negros Occidental

Sa puntong iyon ay nakita niya si Dumaguing na nakahandusay sa kalsada at duguan habang ang kaniyang motorsiklo ay nakatumba rin.

Agad namang idinala sa pagamutan ang biktima na napag-alamang buntis subalit idineklara ding nasawi dahil sa internal hemorrhage dahil sa aksidente.

Read More:  2 NPA members killed, 3 high-powered rifles seized after series of military clashes in Bukidnon

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nabangga ang likurang bahagi ng motorsiklong minamaneho ng biktima na nagsanhi ng aksidente habang ang nakabanggang sasakyan ay hindi mahagilap sa mga oras na iyon.

Pagsapit ng gabi ay kusang sumuko sa Tabuk City PNP ang drayber ng sasakyang nakabangga sa biktima sa tulong ng Punong Barangay ng Lucog.