PSA pinangunahan ang opisyal na pagbubukas ng Civil Registration Month

CAMARINES NORTE – Pinangunahan ng Philipppine Statistics Authority (PSA) ang opisyal na pagbubukas ng Civil Registration Month noong Biyernes, Pebrero 2 dito sa bayan ng Daet.

Nagkaroon ng Fun walk mula sa PSA Office sa Barangay III dito sa Daet patungo sa Bagasbas beach na dinaluhan ng Camarines Norte Civil Registrars League (CANOCREL) at mga empleado ng Local Civil Registrar mula sa iba’t- ibang bayan.

Read More:  Grade 10 student dies after lightning strike during Cebu beach picnic

Pagkatapos nito ay nagkaraoon ng  beach clean –up, gift giving at Civil Registration Quiz na pangunang mga aktibidad pa lang sa month long celebration ng ika- 34th Civil Registration Month.

Sa isang pahayag binigyang diin ng PSA Provincial Office ang kahalagahan ng civil registration.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Ito umano ay paalala sa mga mamamayan ng kanilang responsibilidad na irehistro ang kapanganakan, kamatayan, kasal at iba pang vital events.

Hinimok rin ng PSA Provincial Office ang labingdalawang LCROs na magsagawa rin ng hiwalay na mga katibidad, tulad ng Kasalang Bayan, mobile registration at fre issuances ng registray documents alinsunod sa Memorandum Circular 2024- 04.