Mga kababaihan sa malayong Barangay ng Sagñay, sumailalim sa livelihood training

CAMARINES SUR- Hindi pa man nangangalahati ang taon ngunit marami nang nakalatag na proyekto at programa ang Camarines Sur 1st Police Mobile Force Company kasama ang ibang organisasyon tulad ng Zonta Club of Naga and Camarines Sur Chapter at Central Bicol State University of Agriculture Community Extension Team.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Isa sa mga naisakatuparang proyekto ay ang pagbibigay ng training sa mga residente ng Brgy. Kilantaao, Sagñay, Camarines Sur partikular sa mga kababaehan tungkol sa mga livelihood na maari nilang mapagkakitaan.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Cara Imperial, presidente ng Zonta Club of Naga and Camarines Sur Chapter na ang mga liblib na lugar na tulad ng Kilantaao, Sagñay ang dapat na unang pinagtutuunan ng pansin pagdating sa kung paano nito mapapaunlad.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Aniya, may mga susunod pa silang training na ibibigay at maglalaan din ng pondo na maaring magamit ng mga residente na panimula sa nais nilang itayong livelihood business.