Maui Police, kinumpirmang ang bangkay ng isang Pilipino sa Maui wildfire

Natukoy ng Maui Police Department ang bangkay ng isang 70-anyos na Pilipina mula sa apat na mga narekober sa Lahaina wildfire sa Hawaii noong Agosto ng nakaraang taon.

Ayon sa DNA test ng Maui Coroners, isa si Lydia Coloma sa 29 na mga Pilipino at Filipino-American na nasawi sa insidente.

Read More:  VP Sara Duterte denies Gracioso cash delivery claims

Kasamang nasawi ni Caloma ang kanyang asawang si alvador Coloma at pito pang kaanak na na-trap din sa sunog sa Maui Island.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Nagpahayag naman ng pakikiramay ang Maui Police sa lahat ng mga biktima at kaanak ng mga nasawi sa Maui wildfire.

Ang Lahaina fire ay isa sa tatlong malalaking wildfire sa Maui.