Mga plaka sa LTO – ‘di maaapektuhan matapos maaresto ang 3 empleyado

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na hindi makaaapekto ang isyu ng nakawan ng plaka sa planta nito, pagdating sa plate production nila.

Sabi ni LTO chief Asec. Vigor Mendoza, ‘di ito makaaapekto sa kanilang backlogs.

Read More:  Palace says US call to leave ICC will not affect Duterte trial

Tuluy-tuloy din daw ang paggawa nila ng mga plaka at sa katunayan, 30,000 plates ang napo-produce kada araw.

Wala na rin umanong mga backlogs sa mga four-wheeled vehicles.

Read More:  Marcos signs five-year barangay, SK term law, moving 2026 elections to 2028

Sa ngayon, pinaigtin na ang security sa planta para maiwasan ang nakawan.

Bago ito, una nang nasampahan ng kaso ang tatlong empleyado ng LTO na sangkot sa nakawan; habang ang sinasabing mastermind nito ay patuloy pa ring pinaghahanapo.