Antipolo Cathedral, ganap nang International Shrine ngayong araw

Pormal nang iniproklama ngayong araw ang Antipolo Cathedral bilang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage.

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles John Brown ang solemn declaration na sinaksihan naman ng mga Arzobispo at Obispo ng Simbahang Katolika.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Bagaman kinikilala na ng Vatican ang nasabing Simbahan bilang International Shrine, ngayong araw ito ganap na pinasinayaan sa pamamagitan ng pagbabasa ng dikreto mula kay Pope Francis.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Maaalala noong Hunyo 2022, inanunsyo ng Vatican ang pag-apruba sa petisyon na gawing international shrine ang Antipolo Cathedral, ang una sa Southeast Asia at ang ika-11 sa buong mundo.