Administrative task ng mga guro, aalisin na

Magpapalabas ng Department order si Vice President at Education Secretary Sara Duterte hinggil sa pag tanggal ng administrative task sa mga guro.

Sa basic education report ng ikalawang Pangulo kahapon, inanunsyo nito na aalisin na sa mga guro ang mga trabahong walang kinalaman sa pagtuturo.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Binigyang diin ni Duterte na panahon na para ibalik sa loob ng classroom ang mga guro.

At para matiyak ang epektibong pagpapatupad nito, dadagdagan ang maintainance and other operating expenses o MOOE ng mga eskwelahan para makapag hire ng kinakailangang administrative staff.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Nabatid na nasa limang libong administrative personnel ang nakatakdang i-hire ng DepEd ngayong 2024.