Nagka-aberya ang isang pampasaherong barko sa baybayin ng Cagayan de Oro.
Ayon kay Maritime Industry Authority Northern Mindanao Ship Building Specialist 2 Safety Inspector Vincent Cabalida, malapit na sa daungan ang barko nang bigla na lamang tumirik ang auxillary engine control nito.
Umabot anya sa dalawang oras, bago napa-andar muli ang vessel at ligtas na naka-baba ang mahigit kumulang sa anim na daang mga pasahero.
Ang nasabing barko ay ang MV Filipinas ng Cokaliong Shipping Lines, na dati nang nagka-aberya matapos tumagilid sa karagatan na sakop ng Laguindingan, Misamis Oriental.
Ini-imbestigahan na ngayon ng Marina at Philippine Coast Guard ang nasabing insidente.