Babaeng nanalisi at nangagat pa umano ng Koreano sa BGC, arestado

Arestado ang isang babae matapos manalisi ng Korean Nationals habang tumatawid sa kalsada ng Bonifacio Global City, Taguig.

Ayon sa Traffic Marshal ng BGC na si Nhor Sandigan, napansin nitong may nag-aaway na mga dayuhan at isang Pilipina kaya’t pinigilan silang umalis.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Reklamo ng Koreano, kinagat ng salarin ang kanyang kamay.

Sinubukan pang makipag-areglo ng suspek sa mga biktima at nag-alok ng P50K.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Depensa ng babae, nagawa lamang niya ang krimen dahil sa matinding pangangailangan pero mariing itinanggi na siya ang kumagat sa Koreano.

Sasampahan ng reklamong robbery at physical injury ang nadakip na babae habang patuloy na pinaghahanap ang iba pa nitong kasamahan.