PNP Chief Acorda, nanawagan ng patuloy na pagkakaisa sa hanay ng pulisya

“Let us all stand united always”

Ito ang panawagan ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr. sa lahat ng pulis sa pre-launching ng Bagong Pilipinas kick-off rally ngayong araw sa Kampo Crame.

Ayon kay Gen. Acorda, kailangan ipaalam sa publiko na nananatiling united ang 228 thousand police force sa buong bansa.

Read More:  VP Sara Duterte prays for Philippine peace and father Rodrigo Duterte’s safe return

Nanawagan din ang PNP Chief na iwaksi ang anumang pagtatangka ng pagkakawatak-watak sa kanilang hanay.

Nauna nang sinabi ni Acorda na hindi na kailangan ang pagsasagawa ng loyalty check sa hanay ng mga pulis sa gitna ng umuugong na usapin sa destabilisyasyon laban sa pamahalaang Marcos.

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Giit ng PNP, alam ng bawat pulis ang kanilang mandato at hindi sila magpapaapekto sa anumang isyu.