DOH Bicol, may paliwanag ukol sa HEA

LEGAZPI CITY – Marami nang health workers sa Bicol Region ang nagtatanong at nagtataka kung bakit wala pa silang natatanggap na health emergency allowance (HEA) o kaya’t natatagalan ang pag-release nito sa kanila.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Apple Carullo, Health Program Officer 1 ng Department of Health (DOH) Bicol, sinabi niya may mga dahilan kung bakit hindi pa nakakatanggap ng HEA ang iba.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ilan umano sa mga ito, minsan wala sakanilang submitted na approved payroll na isa sa mga basehan sa pagproseso ng HEA.

Habang ang iba naman na mayroong submitted, hindi pa tiyak dahil nakadepende sa central office ang pagbaba ng pondo.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Ayon kay Carullo, sa ngayon ay wala pa silang hawak na pondo at naghihintay na maproseso ng central office.

Habang an central office naman ay magre-request pa sa Department of Budget and Management (DBM).

Samantala, tiniyak naman ni Carullo na lahat ng mga nagsusumite sa kanila ng mga dokumento o requirements ay makakatanggap ng HEA.