Business taxpayer hindi na kailangang magbayad ng Annual Registration Fee epektibo simula ngayong araw

CAMARINES NORTE – Epektibo simula ngayong araw, Enero 22 ay hindi na kailangang bayaran ng mga business taxpayer ang Annual Registration Fee sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Alinsunod ito sa nilagdaang Republic Act 11976 o Ease of Paying Taxes Act.

Sa ilalim nito, exempted na ang business taxpayers sa paghahain ng BIR Form No. 0605 at pagbabayad ng ₱500 ARF bago sumapit ang katapusan ng Enero ng bawat taon.

Read More:  6ID vows justice for two fallen soldiers killed in Sultan Kudarat shooting

Ang mga taxpayer naman na may kasalukuyang BIR Certificate of Registration (COR) na may kasamang registration fee ay mananatiling valid.

Read More:  CAFGU member killed, two soldiers wounded in clash with NPA group in Negros Occidental

Una na ring sinabi sa Brigada News FM Daet ni Assistant Revenue District Officer Daisy De Leon na kasama ang mga job order employees sa exempted sa pagbabayad ng ARF.

Kinukunsidera daw kasi na self- employed at classified bilang “business” ang mga ito.