Dating Pang. DU30, pinapaboran ng maraming Pilipino para sa pagka-senador

Nangunguna pa rin si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa napupusuang maging kandidato sa pagkasenador para sa 2025 elections batay sa January 2024 survey na isinagawa ng research firm na Tangere.

Sa nasabing survey, nakakuha si Duterte ng 62% voter support.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Ayon sa Tangere, nananatili sa top spot ang dating Pangulo, at mas tumaas pa ang prosyento nito ngayong taon kumpara sa datos noong December 2023.

Samantala, nakuha naman ni ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo ang ikalawang pwesto na may 56.96% voter support.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Sinusundan siya nina Former Senator Vicente “Tito” Sotto III na may 48%; Senator Christopher “Bong” Go na may 46.79%; at former Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na may 45.04%.