Matatanggap na pension ng mga senior citizen, doble na

Mula sa 500 pesos na social pension ng mga senior citizen kada buwan, madodoble na ito simula ngayong Enero at magiging isang libong piso na.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, ngayong taon na kasi sisimulan ang implementasyon ng dagdag grant sa mga social pension beneficiaries.

Dahil mula sa 25 billion pesos na pondo, pinaglaanan na ito ng 50 billion pesos sa taong 2024.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala, mahigpit apat na milyong senior citizens naman ang benepisyaryo ng naturang programa.