Lalaking most wanted sa kasong carnapping, arestado

Nabisto ang kasong carnapping ng isang lalaki nang lumabas ang kanyang warrant of arrest habang kumukuha ng police clearance sa Pasig City.

Hindi na pinauwi at idiniretso na sa kulungan ang suspek na si alyas “Will”, 52 anyos , at residente ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Sa ulat ng Pasig City Police Station, nagtungo sa kaniklang himpilan ang suspek upang kumuha ng police clearnce ngunit sa halip na policer clearance, warrant of arrest ang isinilbi sa kanya dahil sa paglabag sa New Carnapping Act.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

May inirekomendang 300 thousand pesos na piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.