Budget Secretary, dinepensahan ang P450B na unprogrammed funds

Dinepensahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang 450 billion na unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act.

Sa Kapihan sa Manila Bay Forum – sinabi ni Pangandaman na hindi maituturing na unconstitutional ang naturang pondo dahil pa anya ito kasama sa budget.

Read More:  Remulla confirms Atong Ang has left Philippines

Hindi rin daw ito automatically released, at aantayin pa kung may mapagkukunan na additional revenues.

Samantala, welcome din sa kalihim ang ginawang paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ng mga minority solon mula sa mababang kapulungan.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Anya, indikasyon itong gumagana ang demokrasya sa bansa.

Pero nanindigan itong para sa kanila, constitutional ang unprogrammed funds, maaaring nagkatalo lang anya sa interpretasyon.