Transport caravan ng PISTON at MANIBELA, hindi pinalagpas sa ilang bahagi ng Maynila

Hinarang at hindi na pinayagan pang makapasok sa ilang bahagi ng Maynila ng ilang tauhan ng Manila Police District (MPD) ang mga miyembro ng transport group ng Manibela at PISTON na nagsagawa ng transport caravan.

Nakiusap sina PISTON national president Mody Floranda at Manibela Chairman Mar Valbuena sa pulisya kung maaring makaabante sila kahit papaano upang makausad ng kaunti ang ilan nilang kasama.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Hindi kasi sila pinausad pa ng Mendiola malapit sa may Malacañang.

Matapos ang naging negosasyon, pinayagan naman ng pulisya na makaabante ang mga ito ngunit hindi na sila pupwede pang makalusot sa mga inilagay na barikada.

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Napilitan din ang mga grupo na nagsagawa na lamang ng limitadong programa sa bahagi ng España Boulevard.

Maalala, ayon sa awtoridad, pinagbabawalan ng makapasok ang mga ito sa Maynila at magsagawa ng kilos-protesta dahil sa mga reklamong natanggap ng lokal na pamahalaan nito sa huling kilos protesta na kanilang isinagawa sa harap ng Mendiola.