KORONADAL CITY – MAGLALAGAY ang Department of Social Welfare and Development o DSWD 12 sang Crisis Intervention Unit o CIU Satellite Office sa banwa sang Polomolok.
Sa pamamagitan nito, masisiguro ang mabilis na tugon at pagbibigay ng tulong sa mga indibidiwal at pamilya na nangangailangan ng ayuda sa unang distrito ng South Cotabato.
Inihayag ni Regional Director Loreto Cabaya Jr aprubado na ang naturang inisyatibo ni DSWD Sceretary Rex Gatchalian at nakapag-usap na rin sila ni First District Congressman Isidro Lumayag ukol dito. Makikinabang sa CIU Satellite Office ang mga mamamayan sa Polomolok, Tupi at Tampakan.
