Pang. Marcos, planong bumisita sa Germany sa Marso

Planong bumisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Germany ngayong darating na Marso.

Inanunsyo ito ng Pangulo sa pagcourtesy call ni German Federal Minister for Foreign Affairs Annalena Baerbock, sa Malacanang kahapon.

Ayon kay Pangulong Marcos, ilang buwan ng nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan sa Germany embassy para maisapinal ang kanyang pagbisita.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Umaasa naman si Baerbock na makakabisita muli siya sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Samantala, nagtungo din si Baerbock sa head quarter ng Coast Guard.

Read More:  VP Sara Duterte’s reported request to meet Marcos called ‘fake news’

Ine-inspection niya ang ilang gamitan na na-donate ng Germany sa Pilipinas noong nakaraang taon.

Nangako siyang magbibigay muli ang Germany ng apat o higit pang droan sa PCG.

Tiniyak naman ni Baerbock na suportado niya ang Pilipinas sa pagsusulong ng kapayapaan sa West Philippine Sea.