SGH, nakapagrelease ng higit sa P 34 million na ayuda sa ilalim ng MAIP

KORONADAL CITY- MAHIGIT sa P 34 million na medical assistance ang nairelease ng Soccsksargen General Hospital o SGH sa mga indigent na mga pasyente noong nakaraang taon.

Inihayag ni Chief of Hospital Dr. Ceril Borromeo na ito ay sa ilalim ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) program ng Department of Health o DOH na may layuning magbigay ng ayuda sa mga pasyenteng nagpapakonsulta, nagpapaisailalim sa rehabilitation, examination, o na-confine sa mga government hospitals.

Read More:  13-year-old identified in Cebu school shooting threat
Read More:  Barangay chairman of Barangay Lamintak Sur, Medellin arrested for qualified theft

Nakinabang dito ang 9400 na mga pasyente ng SGH. Ayon kay Borromeo na lahat ay makakapag-avail ng MAIP anuman ang kanilang socio-economic status. Sakop ng MAIP ang excess na bayarin sa Philhealth.