PSA hinimok ang publiko partikular ang mga respondents na makiisa sa gagawing Family Income and Expenditures Survey na sisimulan ngayong araw.

CAMARINES NORTE – Aarangkada na simula ngayong araw, January 8 ang second visit ng Family Income and Expenditures Survey (FIES).

Kaugnay nito hinimok ni Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao ang publiko partikular ang mga respondents na makiisa sa gagawing survey.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni Padayao ang kahalagahan ng FIES.

Read More:  Two men gunned down at Davao del Norter gas station

Aniya ang kinukuhang datos sa FIES ay tungkol sa kita, gastos, source of income at mga kinukunsumo ng mga pamilyang masasample sa survey.

Matatandaan na ginawa ang first visit ng FIES noong Hulyo 2023 na ang reference period ay mula Enero hanggang Hunyo.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Ang magiging reference period naman ngayong second visit ay mula Hulyo hanggang Disyembre 2023 kung saan parehong sample ang iinterbyuhin.

Ang FIES ay rider ng Labor Force Survey na ginagawa naman kada quarter.

Noong Disyembre inilabas ang preliminary results ng first visit tungkol sa poverty sitautions sa bansa.