NAGA CITY – Mas pang palalawakin ang kaalaman sa Basic Life Support ng mga Out of School Youth at mga working students sa Naga City ngayong taong 2024, na mismong pangungunahan ng komitiba sa edukasyon sa konseho sa layuning makatulong ang mga ito sa kani-kanilang lugar sa oras na may aksidente o kalamidad.
Kailangan aniya may nalalaman ang mga kabataan sa kung papano sila mapapakinabangan sa kabila ng hindi pag-aaral o abala sa trabaho.
Ayon kay City Councilor Lito del Rosario, Chairman ng naturang komitiba, panahon ngayon ng iba’t-ibang kalamidad at lalong hindi nawawalan ng aksidente sa kalsada na dapat ang lahat ay may alam sa pag respondi, pagliligtas ng buhay o pagbibigay ng first aid sa mga biktima.
Sa kaniyang pakikipag-usap sa Brigada News FM Naga, sinabi nitong iba na ang may alam, at kanya ring pinasalamatan ang mga kabataang lubos din ang suportang ibinibigay sa programa nilang ito.