Mahigit 600k tourist arrivals, naitala sa Albay sa loob ng 1st-2nd quarter ng taon

LEGAZPI CITY – Aabot sa mahigit 600,000 tourist arrivals ang naitala sa lalawigan ng Albay sa loob lamang ng una hanggang pangalawang kwarter ng taong 2023 base sa datos ng Provincial Tourism, Culture and the Arts Office (PTCAO).

Read More:  Indigenous farmer saves Philippine Eagle from 30 monkeys in Bukidnon

Binubuo ito ng humigit-kumulang 614,391 local tourists at 7,883 foreign tourists.

Kumpara sa 510,018 tourist arrival noong 2022 sa parehong peryodo namataan dito ang makabuluhang pagtaas na umabot sa mahigit 100,000 mula una hanggang ikatlong quarter ng taong ito.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Matatandaan, nauna nang kinumpirma ng tanggapan ang pagdami ng mga turistang dumating sa Albay sa ikalawang quarter ng taon sa panahon ng pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.