Formation, accounting at inspection, sinagawa ng Albay PPO sa kanilang mga tauhan kaugnay ng yuletide season

LEGAZPI CITY – Nagsagawa ng formation, accounting at inspection ang Albay Police Provincial Office (PPO) sa kanilang mga tauhan upang matiyak ang kahandaan ng mga ito sa pagbibigay-serbisyo sa publiko ngayong yuletide season.

Pinangunahan ito ni Provincial Director PCol. Fernando L. Cunanan, Jr. sa Tennis Court, Albay PPO, Camp Captain Salvador, Jaucian Del Rosario Sr., Brgy. Sta. Cruz, Ligao City.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Personal na sinuri ni Cunanan ang physical attendance ng lahat ng tauhan at binigyang-diin ang  mga katangiang nais ni PNP Bicol Regional Director PBGeb. Andre P. Dizon sa bawat kapulisan.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Isa na rito ang pagiging approachable, presentable at dependable ang mga kapulisan na kayang magbigay ng patnubay sa Ligtas Paskuhan at iba pang pampublikong kaligtasan, kapayapaan, at kaayusan sa lalawigan upang matiyak ang pagkamit ng mga misyon at layunin ng PNP.