Children’s Month Celebration sa Koronadal, naging matagumpay

KORONADAL CITY – NAGING matagumpay ang Children’s Month Celebration sa Koronadal na dinaluhan ng daan-daang mga kabataan sa lungsod.

Kasabay sa aktibidad na ito, nagsagawa rin ng kaniyang State of the Children’s Address o SOChA si City Mayor Eliordo Ogena na isinagawa sa Rizal Park ng Koronadal.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Binigyang diin ng opisyal na katulong ng mga magulang ang mga opisyal sa lungsod sa pagbibigay ng suporta sa kanilang mga kabataan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Dagdag pa nito, na kaniyang inisa-isa ang karapatan ng mga kabataan na kinabibilangan ng “right to survival, protection, development, and participation.” Nagbigay din ng kani-kanilang mga special performances ang mga bata na dumalo sa aktibidad na ito.