Pilipinas, babaguhin ang approach sa mga agression ng China sa WPS

Nag iisip ngayon ng bagong estratehiya ang pamahalaan, kung papaano i-approach ang China dahil sa patuloy na agression at harassment sa West Philippine Sea.

Sa panayam ng media kay Pangulong Bongbong Marcos, sinabi nitong hindi na umuubra ang makalumang paraan ng diplomasya, tulad ng pagpapadala ng note verbal at dèmarche, na patuloy lang na binabalewala ng China.

Read More:  PCG to deploy 17,000 personnel at seaports for Undas 2026

Sinabi pa ni Marcos na ang kasalukuyang diplomatic efforts sa China ay patungo sa “poor direction.”

Kaya kailangan anya ng diskarte na magpapabago sa takbo ng sitwasyon, mga paraan na hindi pa nasusubukang gawin, bagong konsepto,bagong prinsipyo at bagong ideya.

Read More:  Marcos urges water conservation, home gardening ahead of Super El Niño

Iginiit pa ng Pangulo na hindi magbabago ang sitwasyon sa West Philippine Sea, kung patuloy na makalumang paraan ang gagamitin ng Pilipinas.