7.5 tons ng cocaine, natagpuan na isinilid sa frozen tuna

Nasabat ng Spanish Police ang 7.5 tonelada ng hinihinalang cocaine mula sa South America sa isang pantalan sa Spain.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sa imbestigasyon, isinilid sa loob ng frozen tuna ang droga na ipapadala sana sa iba’t ibang bahagi ng Europa.

Samantala, sa magkahiwalay na operasyon sa Valencia – narekober ang 3.5 tons ng Cocaine na nakatago naman sa shipping containers.

Read More:  Venezuela earthquake death toll climbs to nearly 4,500

Sumatotal, 20 na mga indibidwal mula sa magkaibang organisasyon ang inaresto ng Spanish Police.

PHOTO COURTESY: REUTERS