Pag-recall sa Chinese ambassador, hindi sagot sa tensyon sa WPS – Sen. Imee

Naniniwala si Senator Imee Marcos na hindi sagot sa tensyon sa West Philippine Sea ang panukalang pagpapa-recall kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Senator Imee, sa halip na pagtabuyan ay mas nararapat na kausapin ng gobyerno ng mahinahon ang Chinese ambassador at ang ilang opisyal ng China para maipaabot ang ating saloobin.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Aminado ang senadora na nakakapikon na ang ginagawa ng China ngunit mauuwi lamang sa dahas at giyera kung paairalin ang init ng ulo.

Anya, hindi kaya ng bansa na kalabanin ang China kaya nararapat na pairalin ang maximum tolerance at mas agresibong diplomasya.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Ginawa ng senadora ang mga pahayag sa kanyang ambush interview kasabay sa pagbisita nito sa isang unibersidad sa Batangas City ngayong araw kung saan nanguna ito sa pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga mag-aaral.