SPD, dadagdagan ang tauhan na magbabantay ngayong Kapaskuhan

Magdadagdag ang Southern Police District (SPD) ng ide-deploy na mga tauhan ngayong Holiday Season sa ilalim ng Ligtas Paskuhan Program.

Ayon kay Police Major Hazel Asilo, Tagapagsalita ng Southern Police District, mula sa 15% na naiwan sa opisina ay magiging 10% na lamang ito.

Read More:  ₱5.97-M ecstasy seized from Nigerian national in Pampanga drug bust

Ibig sabihin, 90% o higit 2K ng mga kapulisan ng SPD ay idedeploy sa lansangan para magbantay sa labas.

Read More:  13-Year-old student involved in Davao school stabbing

Pagtiyak ni Asilo, walang dapat ikatakot ang publiko lalo na sa mga magsisimbang gabi dahil naka full blast ang deployment ng kanilang himpilan.