Rank No. 1 MMWP at itinuturing din na No. 9 P/RMWP, arestado sa kasong panghahalay

Naaresto na ng Donsol PNP ang kanilang No. 1 most wanted person (MWP) na itinuturing din na No. 9 provincial at No. 9 regional most wanted person (RMWP) ng PRO5 makaraang hainan ito ng kanyang mandamiento de aresto sa Brgy Banuan- Gurang, Donsol, Sorsogon.

Inaresto ng pinagsamang puwersa ng Donsol MPS at 1PMFC katuwang ang RIU5-PIT Sorsogon at Pilar Maritime Law Enforcement Team si Francis Rabulan Madrid, 36-anyos.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Ang akusado ay nahaharap sa kasong 2 counts of rape na parehong walang itinakdang piyansa.

Ang dalawang warrants ay magkahiwalay na ipinalabas ng Family Court 5th Judicial Region Br 12, Sorsogon City at RTC Br 51, Sorsogon City.

Read More:  Forest fire affects 7 hectares in Davao de Oro

Nagpasalamat naman ang himpilan ng Puliosya ng Donsol sa pakikipagtulunagn at pakikiisa ng mamamayan upang ang kriminalidad sa nmaturang bayan ay maaksyunan.