LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaki sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 7, Sitio Tubgon, Brgy. Batang, lungsod ng Ligao.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Boy Tigas” na residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, positibong kumagat sa pain ang suspek at pinagbentahan ang poseur buyer ng isang pakete na pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP500.
Nang magkapalitan na ng drug items, dito na hinuli ang suspek at narekober sa kanya ang limang piraso ng shabu at iba pang non-drug items.
Sa ngayon, hawak na ito ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.