Ipinatupad na bagong minimum wage sa Bicol, tatalakayin na rin sa Camarines Sur

NAGA CITY- Tatalakain na rin sa Camarines Sur ang ipinatupupad na sahod para sa mga manggagawa at kasambahay.

Ngayong araw magkakaroon ng press conference na pangungunahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Pili , Camarines Sur.  Mababatid na P30.00 ang itiinaas sa arawang sahod, kaya P395 na ang minimum wage.  P5,000.00 naman ang nararapat na minimum para sa mga kasambahay simula noong Biyernes Dec. 1, 2023.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay Ms France Ocmer ng  DOLE Regional Tripartite Wages and Productivity Board, sinabi nitong inaasahan na nila ang sasabihin ng publiko na napaka kaunti nito habang mataas naman para sa mga employers. Kailangan mabalanse upang maisakatuparan.

Read More:  Habagat batters Davao Region: 909 families affected, four dead, five missing