Lalaking tulak umano ng iligal na droga timbog sa buy bust operation ng Paracale Police

CAMARINES NORTE – Timbog sa buy bust operation ng Paracale Police ang isang tulak umano ng iligal na droga Biyernes ng madaling araw sa barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas”‘Rey” 24 anyos, binata at residente ng Barangay Poblacion Norte ng nabanggit na bayan.

Read More:  Fetus found dead inside restroom of inn in General Santos City

Nakuha sa pag- iingat ng suspek ang nasa 1. 5 na gramo ng iligal na droga may street value na P10, 200.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nasa kustodiya na ng Paracale Municipal Police Station ang suspek at ang mga nakuhang ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang naarestong suspek.