Panghihimasok sa soberanya ng bansa kung makikipagtulunga ang gobyerno sa ICC-VP Sara

Giniit ni Vice President Sara Duterte na panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas kung makikipagtulungan ang gobyerno sa International Criminal Court o ICC kaugnay sa imbestigasyon sa madugong drug on war ng nagdaang administration.

Paalala pa niya sa mga mambabatas na dapat tandaan ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi makikipagtulungan ang gobyerno sa imbestigasyon ng ICC dahil maituturing itong panghihimasok sa soberanya ng bansa.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Sinabi pa ni VP Sara dapat na galangin ng Kamara ang posisyon ng pangulo.

Dagdag pa niya na labag sa saligang batas kung papayagang mag-imbestiga ang ICC.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sinalag naman ni House Speaker Martin Romualdez ang umanoy haka-haka na binibigyang prayoridad ng Kamara ang resulosyong na may kinalaman sa ICC.

Ayon pa kay Romualdeaz, ano man ang maging desisyon ng Kamara  sa mga resolusyon, isa itong reflection na nais ng mga miyembro ng mababang kapulungan.