4 BTS members, magsisimula na ng kanilang military enlistment

Magsisimula na ang military enlistment ng natitirang apat na mga miyembro ng pinakasikat na Korean pop boy group na BTS.

Ang serbisyong-militar ay ipinag-utos sa mga lalaking South Koreans para maglingkod sa loob ng 18 buwan, sa oras na sila’y maging 28 anyos.

Naglabas ng statement ang Big Hit Music na sina RM, Jimin, V, at Jungkook ay naghanda na para sa kanilang military service.

Samantala, wala pa namang abiso kung anong araw sila nakatakdang maglingkod sa military.

Nabatid na aktibo sina Jin at J-hope sa kanilang military duty; habang si Suga naman ay nakadestino bilang social service worker dahil sa kanyang shoulder injury.