Anti-crime volunteers, kinukunsiderang sibilyan, hindi bilang law enforcers- PNP

Nilinaw ni Philippine National Police chief Police General Guillermo Eleazar na kinukunsidera pa ring regular na mga civilians ang mga anti-crime volunteers at di umano nagtatrabaho ang mga ito bilang law enforcers. 

Ginawa ng PNP chief ang pahayag sa isang panayam matapos na tutulan ng Commission on Human Rights ang suwestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang force multipliers.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Ayon kay Eleazar,  magbibigay lamang ng impormasyon ang mga anti-crime volunteers.

Pero binigyang diin nitong pinapayagan ang mga sibilyan na mag-apply para sa lisensya na magkaroon ng baril basta’t kwalipikado sila batay sa batas. 

Mababatid na noong Biyernes, inilunsad ng PNP ang Global Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers kung saan si pangulong Duterte ang keynote speaker. 

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ang coalition ay binubuo ng civilian organizations na magsisilbing partner ng pulisya sa paglaban sa krimen at police community relations programs. 

Sa kanyang speech, nanawagan ang pangulo na armasan ang civilian groups para makatulong sa pulis sa paglaban sa krimen pero sinabi nitong di dapat patayin ang mga suspek na sumuko na.