Bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa Metro Manila, dumami – MMDA

Aminado ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dumami ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa Metro Manila ngayong papalalapit na ang Kapaskuhan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Col. Bong Nebrija, hepe ng MMDA Task Force for Special Operations na tumaas ng 15% ang volume ng sasakyan ngayong Ber months sa Kamaynilaan.

Read More:  65 fire-hit families in Boracay receive aid from Bong Go’s team

Ayon kay Nebrija, ito ang pangunahing dahilan kaya sila nag-adjust ng mall hours dahil hindi nagkakasabay sabay ang mga taong pauwi mula sa mga trabaho at ang mga pasaherong pupunta ng malls.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Sa ngayon, 11AM hanggang 11PM na ang operasyon ng maraming malls; habang ang iba ay alas-diyes ng umaga hanggang alas-diyes ng gabi.