Ricci Rivero, inspired na naglaro sa PBA

Inspired na naglaro sa kanyang unang pagsalang sa PBA ang Phoenix Fuel Masters rookie na si Ricci Rivero.

Ganado si Ricci sa kanyang first game dahil nasa venue ang kanyang ultimate cheerleader at girlfriend na si Leren Mae Bautista.

Read More:  Farm Fresh pulls off reverse sweep against Choco Mucho in PVL

Nag-ambag si Rivero ng 7 points sa first quarter; at nagpakitang gilas rin sa 4th quarter sa iskor na walong puntos.

Sumatotal nasa 15 points ang kanyang naitulong sa Phoenix para makuha ang una nitong panalo sa 113-101 laban sa NLEX Road Warriors sa 2023 Commissioner’s Cup.

Read More:  Organizers aim to sell 50,000 tickets for Alex Eala’s Philippine Exhibition Match

Samantala, tinrabaho naman ni Jayjay Alejandro ang 18 points at 2 assists na siyang tinanghal na player of the game.