90% ng mga poll workers sa BSKE, natanggap na ang honoraria

Natanggap na ang honoraria ng mahigit 90% ng mga gurong nagsilbi bilang poll workers noong 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Inanyayahan ni Comission on Elections (COMELEC) Spokesperson Rex Laudiangco ang mga hindi pa nabayarang miyembro ng electoral board na pumunta ng personal sa kani-kanilang lokal na tanggapan ng COMELEC.

Read More:  Padilla urges critics to meet Chinese Ambassador Jing Quan personally

Kailangang personal nilang makuha ang kanilang honoraria dahil kailangan nilang pumirma sa ilang mga payroll documents.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Nauna nang sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na babayaran nila ang mga guro sa loob ng 15 araw matapos ang halalan alisunod sa batas.