Unang batch ng mga Pilipinong nakatawid mula Gaza, inaasahang uuwi sa bansa ngayong araw

Inaasahang dumating sa Pilipinas ang unang batch ng mga Pilipinong nakatawid mula sa Gaza ngayong araw.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose de Vega, 35 na indibidwal ang dadating mamayang alas-4 ng hapon.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Isa namang Palestino ang pinayagang lumabas, kasama ang kanyang asawang Pilipino at mga anak.

Dagdag naman ni De Vega, lima sa inisyal na bilang ang nagpasya na hindi tumuloy papuntang Maynila dahil ang tatlo rito ay gustong manatili sa Egypt kasama ang mga asawa nilang Egyptian, habang ang dalawa ay napagdesisyuanang hindi tumuloy dahil sa pagbubuntis.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili