PhilSys on wheels nag-iikot na rin sa Camarines Norte para mairehistro ang mga hindi pa rehistrado sa national ID system.

CAMARINES NORTE – Nag- iikot na rin sa lalawigan ng Camarines Norte ang PhilSys on wheelS para abutin ang mga hindi pa nakakapagparehistro sa Philippine Identification System.

Inilunsad ang PhilSys on wheels noong nakaraaang buwan at narating na ang ilang piling Barangay.

Una itong ginawa noong October 6 sa Barangay Itomang, Talisay

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), isa itong mobile registration na target ang mga hindi pa nakakapagparehistro sa PhilSys lalo na ang mga walang kakayahang makapuntsa registration center tulad ng Persons with Disability (PWD).

Target din ng PhilSys on wheels ang mga nasa trabaho na walang oras na pumunta sa registration center.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Nagpapatuloy pa rin naman ang national ID registration kung saan maaaring magparehistro sa SM City Daet mula Lunes hanggang Linggo alas 10 ng umaga hanggang alas 7 ng gabi at sa PSA Office dito pa rin sa Daet na bukas mula Lunes hanggang Sabado alas 8 hanggang alas 5 ng hapon. Mayroon ding ginagawang mobile registration sa mga eskwelahan at maging s amga terminal.