Itinatayong pinakamalaking Solar Power Plant binisita ng LGU officials ng San Marcelino

Binisita ng mga opisyal ng San Marcelino, Zambales ang itinatayong Solar Power Plant sa Brgy. Sta. Fe.

Pinangunahan ni Mayor Elmer Soria at Vice Mayor Jimbo Gongora kasama ang Sangguniang Bayan ang pagpunta sa lugar nakalipas na Martes.

Read More:  Delivery rider dies in Cebu motorcycle-dump truck crash

Ayon sa LGU, ang itinatayong San Marcelino Solar Power Plant ay pinakamalaki umanong solar power plant sa bansa at isa sa pinakamalaki sa Asya.

Ang kapasidad umano ng planta ay aabot sa mahigit 500 MegaWatts, Direct Current at inaasahang mag-ooperate sa unang kwarter ng taong 2024.

Read More:  Nearly a year after Tino, home remains out of reach for 115 La Castellana families

Samantala, ang proyekto umano ay nagbibigay ng trabaho sa mga taga Barangay Sta. Fe, Aglao, at San Rafael.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: San Marcelino PIO