Rep. Gonzales at dalawang iba pa, nanumpa bilang miyembro ng Lakas-CMD

Nadagdagan pa ang puwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats sa Kamara matapos manumpa si House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.

Sa harap nina Lakas-CMD President at House Speaker Martin Romualdez, Majority Leader Mannix Dalipe at Agusan Del Norte Representative Joboy Aquino ay pormal na umanib sa partido si Gonzales.

Read More:  Ukrainian firm facing money laundering charges sent funds to Duterte-linked company

Kasama ni Gonzales bilang bagong miyembro sina Pampanga Representative Jon Lazatin at Siquijor Representative Zaldy Villa.

Sa ngayon, pitumpu’t pito na ang miyembro ng Lakas-CMD sa House of Representatives.

Ayon kay Romualdez, malaking tulong ang pagkakabilang ng tatlong kongresista sa lakas ng partido na isang koalisyon umano ng masisipag na lingkod-bayan na may integridad at dedikasyon.

Read More:  PH Embassy warns Filipinos against Myanmar job scams, reiterates deployment ban

Malawak na karanasan aniya ang ihahatid nina Gonzales sa Lakas-CMD na mapatutunayan ng naging pagsisilbi nila sa bawat distrito.

Sina Gonzales, Lazatin at Villa ay mga dating miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban.