Alden Richards, pinasalamatan ang isang honest driver matapos maisauli ang nawawalang phone

Lubos na pinasalamatan ni Alden Richards ang isang service driver na nagsauli ng nawalang cell phone ng kanyang pinsan.

Hindi raw talaga mahilig mag-post si Alden, pero deserve daw ng honest driver na malaman ng publiko ang simple act of kindness nito.

Read More:  The Pod Network terminates ‘Machong Chismisan’ podcast contract ‘effective immediately’

Nang nawala ito sa gym kung nasaan si Alden at ang kanyang pinsan, bigla na lamang may tumawag sa kanyang telepono at laking gulat niya na ito ang service driver na nasakyan ng kanyang pinsan.

Read More:  Meryll Soriano hopes Willie Revillame’s movie comeback pushes through

Sa kanyang post, kinilala itong si Alexis Verdejolo Ohno.

Bumyahe raw agad ang driver mula Bulacan papuntang Podium para isauli ang naiwang phone.